November 2011
19 posts
- Ate Beng: Dad, yellow pa, habulin mo..
- Kuya Flogil: Ayoko ko nga, presidente nga nakukulong na dito sa Pinas!
- Nyahahaha! : ))
If you asked me to… I just might change my mind and let you in my life forever.
If you asked me to… I just might give my heart and stay here in your arms forever.
♥♥♥
Di na matatago na may kalakihan ang napakaganda kong katawan. Nyahahaha! Ganito ako just 2 months ago.

Di mo din matatago na ang cute ko pa din. Hahaha! Pero yun nga, ramdam ko talaga ang bigat ko. Ang hirap ng maglakad ng malalayong lugar. Tapos ang hirap na din maghanap ng damit. :( Sinubukan kong magpapayat pero ang hirap talaga lalo na kung naging comfort at shoulder to lean on mo ang food. Nagsimula ako mag cut down sa rice tapos jogging for 90 mins everyday.

Gotta be proud at them curves! Haha I lost a couple of pounds. Mejo bumilis din ang pagtakbo ko and humaba endurance ko. Tumigil ako sa pag jog nung inoperahan ako 3 weeks ago. Pero definitely ibabalik ko yung jogging mode ko after a few series of therapy sa paa ko. Di pa din ganun kapayat pero pwede na for a start. Malaki talaga akong babae kaya di ko target yung maging super skinny. Mga Kim K pwede na. Bwahahaha!!! :D
At dahil supportive ang parents ko, sila ang supplier ko ng Nestle Fitness Cereals. A 14-day challenge na I will try starting bukas. Since di ako makajog, eto nalang muna. :)
hehehe just sabi-ing. chot~
kongratyeletyunes Pekyew~
Onga naman. :))
Kanina lang, tumawag sakin yung eldest naming kapatid. Sabi niya di pa umuuwi yung anak niyang si Rb. Nagpanic ako kasi laging nasa news yung mga kidnapping at kung anu-ano pa dito samin. Pero, inexplain niya na baka dahil di pa umuuwi eh baka dahil nakita na nila yung grades ni Rb. Napa hay naku ang ng wala sa oras.
Sabi ni Ate, matagal na daw nila kinukulit si Rb about sa report card niya. Panay ‘wala pa’ ang sagot. Nagsecond quarter exams nalang, di pa nila nakikita. Yes, grades yan ng first quarter pa (June-Aug). Pinuntahan na nila sa school at kinausap ang moderator. Nakita na nila ang grado. JUSKO. Anim ang bagsak. ANIM. Walo lang ang subjects nila. Nag init din ang ulo ko pero mas nagfocus ako sa paghahanap sa pamangkin ko. 2nd year high school pa lang yun kaya alalang alala ako.
This is not always a bad thing. ‘Di naman pwedeng uupo ka na lang at makukuntento sa anong meron ka. Hoping for the best is not a crime. Working hard to have the things that you want is not being selfish. Wanting better things for yourself and the people you love can’t be a bad thing.
Imposibleng naman na gustuhin mo lang yung mga bagay na meron ka, parang tanga ka lang. Ang mahirap lang nun eh kung sobra ka ng focused sa mga bagay na wala ka at nakalimutan mo na yung mga bagay na meron ka.. Yung di ka na marunong magpasalamat. Inggrata na tawag dun.
Wala lang. Naisip ko lang. :)

